Matagal ko nang pangarap magkaron nang blog... Bilang mahilig akong mag-stalk at nainspire din ako sa uber beautiful kong friend na si Joanne :), finally, here it is. My name is Nic. Nice to meet you. hehe.
Itey ang aking fez. Maliban sa midshift kong trabaho, wala naman akong ibang trip sa buhay kundi magbasa ng blog-nang-may-blog, tumambay sa bahay, at kung anu-ano pang blah-blah-blah kasama ng ka-love team kong si
Mic
Sounds like talaga yung mga pangalan namin nang hindi namin sinasadya. Pag pinapakilala nya ko sa mga taong iba, feeling nila ginagago lang namin sila. Nic. Mic. Nic Mic. Parang siraulo. Baka ganun talaga pag destiny <yeehee>. Wavemate ko sya dati nung callgirl pa ko. Tropa-tropa ganyan. Pagkatapos ng madaming bote ng San Mig Light, holding hands at kape sa Starbucks e naging kami din.Two years na ding Married ang status namen sa fezbuk. At bilang reward sa pagsuko namin sa aming blessed singleness, binigyan kami ni Bro ng ultimate gift. Walang iba kundi si
Athena
Athena Miguelle yung full name nya. Athena (dahil ginawa kong baby book yung Mythology ek ek ng kapatid kong si Bujoy. Ibig sabihin, Greek Goddess of War and Wisdom) tapos, Miguelle (ibang version ng Michael.. pangalan ni Mic sa totoong buhay). Para short-cut, tinatawag namin syang Tinay. Plano naming ipangalan sa mga Dyos ng Mount Olympus yung pangalan ng susunod na magiging junakis namin. Apollo o kaya Adeona (Goddess of Safe Return). Sabi ko, Nike na lang para Goddess of Victory. Ayaw nung pudra.. kasi parang sapatos yung pangalan ng anak nya.
So there... malamang sa malamang e umikot ang blog na ito sa mga kwento ng aming small family, stick figures, istoryang tropa, tambay at kung ano-ano pang isipin na bigla na lang susulpot.
So pano... babay, tinapay!
Waaaaahhhh!!!!!!!Super na-excite ako nun makita kita, oww-em-gee!!!
TumugonBurahinCongrats friend sa iyong first post! Love love!!!
Na-forget kong mag thank you sa uber gandang intro ko! haha! Thanks friend! :)
TumugonBurahinThanks din frend. Labyu. :-)
TumugonBurahinkailangan ko pala mgpasalamat sau Arnica...
TumugonBurahindahil sau napilitan ako mgcreate ng acct dito pra makapagcomment sa mga posts mo... wala ka kcng option sa comment churva mo na Name/URL lng...
looking forward sa mga posts mo... ^_^