Huwebes, Hunyo 28, 2012

Pick Up!


Nakilala ko si Mic sa isang Contact Center nung April 2007. Wavemates kami, actually. Sa dinami dami ng tao, kami pa yung nagkatabi kami ng station sa training room. Siguro, second day pa lang ng training eh close na kami nang very very light. Tipong pag nagkatinginan kami e tumatawa kami kahit walang dahilan. Isang araw...

Nic: Alam mo para kang gag show
Mic: Bakit?
Nic: Kasi natatawa ako pag nakikita ko yung muka mo.

____________________________

After 1 and a half years of "Unofficially yours" na drama, e naging kami din. Minsan, habang nakasakay kami sa jeep na mejo puno ng tao...

Mic: Brad (endearment namin), anong height mo?
Nic: 5'2 1/2", 5'3"... not sure. Bakit?
Mic: Ang laki mo pala.. paano ka nagkasya sa puso ko?
Nic: <Speechless><Blush>
 ___________________________

Sa text:

Mic: Alam mo, unti-unti kang tumataba, bumibilog..
Nic : GRRRRRRRRR!!!
Mic: At nagiging mundo ko... magpapapayat ka pa ba?

___________________________

May 2010- we got married a month after I have given birth to our daughter. 

Habang nakahiga at nagtatangkang matulog...

mic: sana pag nabaril ako, wag sa puso.
nic: bakit?
mic: kasi ikaw ang nasa puso ko! ♥

_____________________________

Mic: Metrobank ka ba?
Nic: Bakit?
Mic: Kasi with you, I'm in good hands

_____________________________


Minsan nagchat kami ni Mic sa FB kahit nasa magkabilang kwarto lng kami..
Nic: aylabyu
Mic:lablablab
Nic: kunyari nasa langit ako tapos nasa impyerno ka. long distance relationship..
Mic: walng long distance sa mga taong nagmamahalan malayo man o malapit
#boypickupstrikesback#

_____________________________

Christmas time...

Christmas ka ba?

Kasi i want to MERRY you...♥


Sana hindi kayo naumay sa kabaduyan... hehe

6 (na) komento:

  1. Mga Tugon
    1. thanks frend.. salamat sa gala kanina.. sorry hindi na ko nakasama sa movie. nga pla.. napagisipan naming mga tumakas na sana lalaki na lang si zai.. kasi love namin sya for you. hehehe

      Burahin
    2. hahaha! ang dami kong tawa dito sa wish nio na lalaki na lang si Zaicy... (hindi pa nya siguro nababasa 'to)

      Burahin
  2. ang sweeeeeet nga! This made me smile! Thanks for following my blog. Lagay ka na din ng followers gadget dito sa blog mo para ma follow ka namin.

    TumugonBurahin
  3. thanks anney! <3 isang dumb question.. pano maglagay nun? (wag mo sana ako pagtawanan... hehehe

    TumugonBurahin
  4. ang sweet naman.. fav ko ung pagbilog mo... haha... ano? gusto mo pa magpapayat nung lagay n un? :p

    TumugonBurahin