Biyernes, Agosto 31, 2012

Cancer, Si Maricar, Si "Kuya", at si Papa Jack

Oo. Adik ako sa TO-TO-TOT. Bago mo pa ako pag-isipan ng masama ay lilinawin ko na ang sarili ko- mahilig akong makinig sa radio show ni Papa Jack na True Love Confessions sa Love Radio. Maaaring baduy para sa iba. Keber. Nakakaaliw kasi yung mga klase ng caller at yung mga lovelife echos na sinasangguni nila kay Papa Jack. Gaya ko, tao din naman sila. Nagmamahal lang... kaya sumasablay. Hindi ko hinuhusgahan ang pagkatao o pag-ibig nila. No offense meant.

1. PBB Teens- mga highschool students na pakiramdam nila ay end of the world na dahil nag-break sila ng mg boypren/gelpren nila dahil sa selos at/o di naman kaya pagkontra ng magulang (malamang)

2. Call Center Peeps- mga issue ng pag-ibig na SOBRANG labag sa pamantayang moral ng simbahang katoliko- mga TL/Agent/QA na may asawa o karelasyon na pero kumekembot pa rin sa iba (kaya nagkakaroon ng anak na hindi sinasadya)

3. OFW- mga long distance relationships na sa two-time- an lang nauuwi

4. Mga kwentong sekyu, kasambahay at boy. Pinakamadalas ko sila napapakinggan sa wild confessions pati ang kanilang adventures sa isang bahay na walang kusina

Ayan... mga ganyan usually yung callers nila EVERY.SINGLE.NIGHT. Pero kagabi, iba...

***********

Sya si Maricar. 26 years old. Sya lang ang maayos kausap kagabi. Lahat ng caller sobrang sakit sa patatas kausap (sa part ni Papa Jack) at sobrang sakit sa utak pakinggan (sa part ko). Maayos naman yung bungad kausap. Ok naman daw sya, may konting problema lang sa live in partner nya. Para daw kasing nagbago na yung pakikitungo sa kanya. Hindi naman nya nasesense na may ibang babae pero pakiramdam nya hindi na sya mahal. Sabi ni Papa Jack baka feeling nya lang kasi wala pa syang pruweba. Hindi na sya masyado iniintindi lalo na nung hindi na sya nagtatrabaho. E bakit nga ba sya nag-stop mag-work? Kasi... meron syang... BRAIN CANCER.

Yup. You read it right. Brain Cancer. Upon hearing the C word, nag-iba na yung tema ni Papa Jack. Sabi ni Maricar, hindi daw sya sinasamahan nung partner nya magpa-check up. Samahan man daw sya minsan, laging mainit yung ulo.. naiinis kasi naiinip. Sinabihan pa daw sya na dapat magbago na sya ng ugali nya... kasi... (hindi tinapos nung lalaki yung sentence. Pero reading between the lines, sabi ni Maricar, baka ang kasunod nun ay "malapit na syang mamatay"). Hudas lang. Sabi ni Papa Jack, kung hindi na nakikita ni Maricar na makakasama nya yung partner nya for worse eh kailangan na nya mag let go. She deserves someone who will  love and understand her better. Ayun. Nakipag-break si Ate on-air.

Nakakalungkot lang yung story. Kasi, sa hirap ng pinagdadaanan nya at takot na araw bawat paggising nya e yun na pala ang huli e nilalaglag pa sya sa ere nung taong akala nya e makakasama nya hanggang sa huling paghihirap nya. Badtrip nga naman.Pero naisip ko lang naman... hindi kaya may pinagdadaanan din si Kuya? Mabigat din siguro sa kanya yung pinagdadaanan ni Maricar. You know.. baka hindi nya matanggap na maaaring dumating yung panahon na kainin ng Cancer yung taong pinakamamahal nya. Baka in- denial pa rin sya, galit, o kaya hindi nya pa natatanggap. Kaya ganun na lang sya. Naisip ko lang naman. Hindi ko pinagtatanggol si Kuya.

*************

Nahukay kodito yung Kübler-Ross model, o The Five Stages of Grief. Sa tingin ko, applicable to hindi lang sa malubhang sakit, sa kamatayan.. pero pwede din sa break-up o kahit anong problemang mas mabigat pa sa basura ng Metro Manila pagkatapos ng Habagat.

1. Denial- tipong "Hindi. Hindi ito nangyayari." Coping mechanism sa mga pangyayaring sobrang sakit.
2. Anger- Syempre, hindi naman pwede na forever nating i-deny sa sarili natin yung devastating na problema. Pag narerealize na ng tao yung masakit na katotohanan, nagsisimula syang magalit sa sarili nya, sa iba, at sa mga taong nagmamahal sa kanya
3. Bargaining- Dito na yung "Lord, magbabago na ko, tulungan mo ko please"
4. Depression- Nakakadepress din naman kung kahit gaano katindi yung dasal mo, hindi mo pa rin makukuha ang healing na hinihiling mo. At this stage, parang suko na. Kahit ano naman gawin ko wala nang mangyayari. Kaya.. KEBER.
5. Acceptance- Sa takdang panahon, dadating din naman sa punto ng pagtanggap. Mahirap.. minsan matagal, pero dadating din.

Sa kasong ito.. pwedeng narating na ni Maricar yung acceptance na stage pero yung partner nya nasa anger pa lang. Pwede. Baka. Siguro. Hula ko lang naman.

Sana, patuloy pang ipaglaban ni Maricar at ng lahat ng mga taong may karamdaman ang buhay nila hangga't kaya. Sana, araw-araw silang makahanap ng reasons para maging maligaya.
Sana, ang lahat ng nagmamahal at nahihirapan ay i-bless ni God ng strength, ng faith at ng guidance hanggang sa tuluyan nilang matanggap ang lahat at magpatuloy.


--

Para sa mga may-sakit, at nasasaktan

6 (na) komento:

  1. aw .. nkikinig din ako dati niyan peo di na ... tumawag din ako dati kay papa jack hahaha! bka narinig mo din mga confessions ko hihihi..

    kawawa nmn yung girl... sana gumaling sya at yung prtner nia i care sya!

    TumugonBurahin
  2. Ang lungkot naman.. malamang devastating kay Maricar talaga yun, may sakit na nga, nawalan pa ng partner. Pero baka nga may dahilan din si Kuya..

    Anyways, hindi ako nakikinig ng radyo, hehe..

    TumugonBurahin
  3. Si joel madalas nkikinig nyan.. Mejo sumakit ung bangs q nung minsan tinry ko mkinig.. Naasar kc ko dun s babae n ngconfess that tym.. At khit sobrang harsh ni papa jack dun s mga comment nya pra dun s gelay, deserve nya!

    bout Maricar, ang bigat kaya dalhin ng cancer khit kamag-anak k lng.. So tama n she deserves sum1 better to spend her days, pde nmng family.. At ung lalaki, baka nga d p lang magsink in kase grabe nmn sya kung ndi gnun..

    TumugonBurahin
  4. fave ko makinig dito! minsan emote emote ako pag sad ang story, gaya nyang kay maricar..minsan naman natatawa pag baliw ang caller :)

    TumugonBurahin
  5. oo friends.. ang baliw talaga nung mga caller na iba. nasad din ako nung nakikinig ako. as in feeling ko kahit si papa jack ay teary eyed. sana humaba pa ang buhay nya.

    TumugonBurahin
  6. kakalungkot naman ang story ni maricar.. walang kwenta naman yung guy kainis!..mga wild confessions lang ang napapakinggan ko kay papa jack hehe..

    TumugonBurahin