Lunes, Agosto 20, 2012

Weekend Recap Part 2

Hello there, pader!

Ituloy na natin ang weekend recap chika

***

Saturday, August 18, 2012

Pagkataos naming tumambay sa mall eh gumora naman kami sa Yoohoo bar sa Metrowalk. Work barkada naman ni Mic ang gang (ang friends nya ay friends ko din. Conjugal! :) ) Nagyaya kasi si Kumareng Marj na uminom. Libre daw nya. Sino ba naman kami para tumanggi? : P

Me and Marj

Ang Labtim na Vinnie+Diane

Nic+Mic

We had fun over 4 buckets of beer, fries and calamares. At dahil sa hindi pala kami nagdinner, gora kami sa Il Mercanti food bazaar. Pangarap ko sana ng buko shake pero wala na daw. Kaya we settled for Shawarma and brownies #gutom. Three different kinds of brownies sya eh, cut into cubes, placed in a cup and topped with chocolate and caramel syrup. Swak sa sweet cravings ng mga taong in denial sa amats *wink. Hindi pa tapos ang party. We ordered pancit canton somewhere and went to Marj's apartment. More drinks, more kwento. We were supposed to spend the night over Kevin's condo. Kaya lang, tulog si Lolo. Kaya pumunta na lang kami dun the day after. Kina Marj na kami natulog. To make bawi, Kevin cooked Fettuccine Carbonara. Winner din.
***
Sunday, August 19, 2012

Nakauwi kami sa bahay siguro 1:30 PM na. Sabi ni Mudra "Akalain mong may balak pa pala kayong umuwi". Nagpaalam naman kami in fair. Pasok sa banga ang ulam on a Sunday. Mechadong baka. Mejo busog pa kami sa Carbonara kaya pass muna kami sa Lunch. Naligo na lang ako tapos nagpunta kami nina Merm at Bujoy sa tiangge. Super mura ng mga bagay. I will share our tiangge finds on my next post. Pagkauwi namin, kumain kami ni Mic ng early dinner around 5:00 PM. Tapos, tulog. 

***
Monday, August 20, 2012
Bujoy's shift was at 4:00 AM. Si Mudra dapat ang maghahatid sa kanya sa kanto kaya lang she wasn't feeling well. Masakit ang paa dahil sa rayuma. Mic and I volunteered. Hinatid namin si Bujoy sa kanto- kanto ng Eastwood! Roadtrip ng konti. Naisip namin na gusto namin ng kape. Sarado lahat ng Starbucks sa paligid. Sayang. Kaya lang, sakto lang din kasi nakakahiya yung itsura namin ni Mic. Muka kaming palaboy. Kaya nag McDo na lang kami. Libre ni Mic. Natalo kasi sya sa pustahan. More pilit kasi sya na 30 days lang ang August. Super confident si Kuya. Ipupusta nya pa daw ang Venti Javachip Frappe. Nirecite ko sa kanya ang "30 Days has September". Hindi pa sya naniwala. Kaya ayun. Super wasak nung nakita nya yung calendar sa pinto namin.
 ***
And that's the end of my weekend recap. Musta weekend mo? Sana enjoy din. 


2 komento:

  1. more ganap more fun! natakam ako sa mechadong baka na ulam nyo! :))

    TumugonBurahin
  2. ang saya talaga pag weekend with family and friends :)

    TumugonBurahin