Kamusta mga peeps?
At dahil sa napadaan ka na din ditey sa aking blog e chichika ko na din ang ibang episodes ng highschool chuva. 90% siguro ng aking buhay hayskul e umikot sa ELF- yung 10%, sa ibang bagay. May mga kanya-kanyang cliques din kasi kami outside ng ELF circle bilang iba-iba nga kami ng section. Sorry kung mejo text heaviness at magulo yung pagkwento. Ayan ha.. basta may disclaimer.
Unang tapak pa lang namin sa school na yun e inispell na nila sa amin ang salitang P-R-E-S-S-U-R-E. Kasi nga, cream of the crop daw, best of the best at iba pang chuchubels. Dapat mamaintain mo ang 85% na grade kung hindi e matetegi ka. Sino ba naman may gusto nun. Wit ko bet. Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na chichillax lang ako.. afterall, ang importante lang naman e pumasa.
First Year: I- Galileo
Unang sabak namin sa highschool so wala pa masyado imikan. Ka-klase ko sa I-Galileo si Joanne. Syempre, pag mga bata, mga bibo. Lahat ng mga contest sa school papatulan- ako sumali sa theater chuchu, si Joanne ata sa Ballroom. Nung mga panahon na to, wala pang mga computer sa bahay-bahay. Ang mga meron lang yung mga big time naming ka-klase na nasa abroad ang mga mudra at pudra, o kaya naman may mga share ng kayamanan ni yamashita (chos). Pag gagawa kami ng paper sa school, computer shop ang place to be. Dapat 1-2 hrs lng, kasi magpapaprint pa. Alam mo naman. P50 lang ang budget.
--
Naaalala ko minsan nung bumabagyo. Bawal umuwi pag walang sundo. Mabuti na lang, dumating ang Mama ni
Joanne. Kaya pinagpanggap namin sya na pinasundo na din kami ng mga magulang namin (wise!).
--
Meron kami dating subject na Earth Science. Magiging nilagang kamote ka talaga pag wala kang libro. Kasi, dun lang kinukuha nung teacher namin lahat ng binabasa nya sa klase, este, tinuturo nya. Kaya matapos ang kumbinsihan, sinamahan ako ng nanay ko na bumili ng libro sa Ever. Sinipag din ako mag-aral kasi, hiyang-hiya akong hindi gamitin yung libro.
--
First year highschool ko din natuklasan na may phobia ako sa Math. Hindi ko na ata to naovercome.
--
Ang ELF ay natutong tumambay sa tindahan ni Mang Arnel. Sya yung may-ari ng sari-sari store sa tapat ng school. Sa kanila nakakabili ng Mais con Yelo, Buko Pandan, Cheese Sticks, Spaghetti at Pancit na LIMANG PISO lang per order. Masarap naman, pramis. Mahal namin si Mang Arnel kasi crammer-friendly yung store.. na pag tipong kailangan naming magdala ng halaman, walis, stick, flag at kung anek-anek pang pakana ng school e nagtitinda din sya.. para sa mga hapiterong katulad ko na umaasa sa last-two-minutes. Hindi ko din makakalimutan nung papiliin nya ako ng kahit anong ice cream na gusto ko sa chest freezer dahil birthday ko. Pinili ko yung Non-Stop na nasa cup. Yung Banana Split. Bang sarap kasi libre ^_^.
--
Nakakahiya minsan nung nagkkwentuhan kami ng ka-klase kong si Anna Mae. Sabi nya kasi, hulaan ko kung sino crush nya. Sabi ko, "Si Nat?". E bigla kaming nahuli nung teacher namin sa PEHM na si Sir Venus. "Hoy Arnica at Anna Mae, Anong pinag-uusapan nyo?!". Sabi ni Anna Mae "Si Arnica po kasi, crush si Nat". Sa loob-loob ko "What the __". E dipensa na lang ako. Sabi sa kin ni Anna Mae "Aminin mo na kasi.. nabiktima na ko nyan. Kung sino ang una mong hinula.. sya yung crush mo". FINE. TOTOO NAMAN. Hihihi. Tamang ginawa lang akong sample. Dahil ang topic namin nun e "Puberty: Ang mga nagdadalaga/nagbibinata ay nagsisimula nang magkacrush". Leche.
Second Year: II- Darwin
Si Stacy ang naging ka-klase ko nito. Tapos, Tropa namin si Chachun. Rachelle totoo nyang pangalan. Tapos, bininyagan ko lang syang Chachun- kaya yun na din ang tawag ng buong school sa kanya. Dito na kami lagi nagshashare ni Sta ng foodang. At shinare ko din ata sa kanya ang fear ko sa Math. Kumakaba dibdib namin nina Stah at Chachun pag dumadating si Ms. Faeldog (yung Math teacher). Minsan, pagpasok sa school, sumakay ako sa tricycle. Yung naunang tricycle yung nasakyan ni Ms. Faeldog. Maya-maya, sabi nung Mama na nagd-drive nung sinasakyan ko, may nadisgrasya. Yung sinasakyan pala nina Ms. Faeldog, natanggalan ng gulong, kaya nabangga sila. Putok yung noo nung teacher namin (as in may dugo). Sa taranta namin nung ka-klase ko, tumakbo kami hanggang faculty para ichismis ang nangyari. Nung time na ng Math, malamang wala kaming teacher. Shocked pa rin ako. Pero sa loob-loob ko "Yes! Walang Math!!! Bwahahaha <insert evil laugh here>. Ang sama ko.
Pero pag may Math, lagi kaming nangongopya ng assignment sa seatmate kong si MASTER.
--
Feeling ng mga ka-klase ko, weird ako. Nun kasing pinagawa kami ng mga products from water lily (tipong basket, tsinelas and the likes) e gumawa ako ng voodoo doll na pinangalanan ko si Master Hyu. Bida yun sa Popolocrois na cartoons nung bata ako. Pag wala akong magawa, naglalaro ako nung doll. Hindi naman pangkulam yun.. baka isipin nyo alagad ako ng demonyo.. hehe.
Third Year: III-Boyle III-Joy
Hindi ko maalala yung eksena sa school kung bakit pinalitan yung sections namin ng mga values. Dati kasi scientists. Hindi kaya feeling ng admin may sungay na kami na kailangan nang supilin? Char lang. Hindi ko talaga maalala. Third year yata yung pinakamalupit na pasakit sa buhay namin- meron kaming Chemistry, Biology, Physics at Research I. Wooo... kami na talaga ang Science school. Sa Research, kailangan mong umimbento ng mga products o process na makakatulong sa mankind. Dapat hindi published, o ninenok lang sa Bato-Balani (Science Magazine. Magnet ang meaning nito sa English.. Tanungin mo pa
dito). Wala akong maisip na topic. Minsan, habang naglalaba ako, with matching bomba sa poso and all, nakakita ako ng puno ng ipil-ipil. Tinanong ko sa nanay ko kung ano pwedeng gawin dun. Kape daw. So pinasa ko yung problem. "Ipil-ipil Seeds as Substitute to Coffe Beans". Inapprove naman nung adviser. Kaya lang nung defense na, hindi ako pumasa. Dati na daw meron nun. <Nangingyak ako sa bwisit dahil isang term ko yung pinaghirapang iresearch>. Asar much.
--
Minsan naman, kinuha ng nanay ko yung card ko. Naglalaba ako sa poso ng kapitbahay namin nung dumating sya. pagkatapos kong punasan yung bula sa kamay ko, tinignan ko yung card. Math: 83%. PUTANGINA. BAGSAK. First time ko umiyak nun dahil sa grade. Ang loser kasi. Math lang yun eh. Buti na lng, Geometry na yung topic nung sumunod na grading period. Nagulat din ako dahil nasakyan ko ang proving, Pythagorean Theorem at postulates. At least, 87% yung naging grade ko. Natabla na yung 83%. Bwisit na yan.
--
COCC
Napagtripan din naming sumali sa COCC. Wala lang. Isinumpa yata ako dahil lahat ng nagiging ka-buddy ko (hmm.. lahat kasi dapat may buddy.. partner.. para may kadamay ka sa parusa at mas marami pang parusa) ay nagqquit. Impyerno ang bibouac. Pinataas ng kamay ang lahat ng walang buddy. Dalawa lang kami. Ako tsaka si Nato (Crush ni Stacy mula nung first year). Gwapings naman si koya. At in fair, sya ang naging Corps Commander (bossing ng lahat).
--
JS PROM
Eksena nung JS prom. Nakakatawa.. parehas kami ni Joana ng damit. Kasi, pang-abay yung nahiram namin nang hindi namin alam. BWAHAHAHA. Mukang siraulo. Kaya nagtiis akong mayshawl magdamag para hindi halata.
Fourth Year- IV- Perseverance
Para sa akin ito ang pinakamasaya. Buong high school life kasi, hindi ako nagsasalita.. hindi ako nagrerecite. pampataas kasi ng grade yun. Ayoko ng mataas na grade. Ayoko ng fame. E minsan, nasa Speech lab kami. Bongga yun.. may mga booth at may mga headset. May pipindutin kang button para makapagsalita. Sabi nung teacher (si Mrs. Pura) "Booth 27, Please read the passage". Shet. yun yung number na inuupuan ko. Hmm.. hindi naman ako makikita nung mga ka-klase ko kaya bunasa ko na lang. Habang nagbabasa ako, naririnig ko sila "Sino yun?!". Hanep. Talent. Dun ata nagsimula ang pag-asa kong mag-DJ o kaya mag telephone operator (wala pa kasing chismis nun tungkol sa call center). Kung hindi ako nagkakamali, dito ako nadiscover (hayup!). Simula nun, naghost na ako sa school- Mr. and Ms. Science (parang beauty pageant), JS Prom, Binibining Binangonan, Graduation ng Kinder at kung anu-ano pa. Nag student DJ din kami sa local station ng Binangonan for a day. Bonggels.
--
JS PROM:Senior Year
Abnormal na naman ang ganap nung Senior JS namin. Late kaming dumating nina Cherry (tropa ko din.. makikilala nyo sya sa ibang post) at Jasmin sa prom. As in nagsisimula na yung cotillon nung dumating kami. Hinanap ko yung partner ko. "Keith! Sorry!Humabol tayoooooo!!!!!". Buti na lang dulo kami kaya madaling sumingit. Sina Cherry at Jasmin, hindi na nakasayaw. Sayang... may dala pa namang videocam yung ermat nung partner ni Che. Akala ni Daniel (ka-klase din namin na co-host ko sa prom) na mag-isa na lang syang magdadadaldal dun dahil hindi ako pupunta. Hindi ko naman sya tinabla. Masaya ang ending ng JS... sinayaw kasi ako nung crush ko. Yak. Arte.
--
Big deal sa min pag may nababalitaang mag-syota... Tipong chismis, ganyan. Kasi, isip-bata ang mga tao. Puro aral. At wala kahit isa akong nakitang schoolmate na nagyoyosi. #antitino #hindiusoangromansangpbbteens
--
Sa ayaw at sa gusto namin e gumradweyt naman kami nang maayos. Masaya in general. Kahit mahirap ang buhay, nagsurvive naman ako dahil sa mga sumusunod:
1. Choose your friends wisely- wag sama nang sama kung kani-kanino. Dun ka sa mga taong magdadala sa mabuting landas gaya ng ELF (Naks!). Seryoso.. smart kasi sila.. at mabubuting tao.. Tipong bisyo na nila yung taon-taong Ash Wednesday at Mcdo. Masaya mag-aral pag kasama ang mga friends.. Kasi, tutulungan ka nila kung saan ka weak. In my case.. sa Math
2. Pag highschool, mag-aral. Wag kung anu-ano. May tamang panahon para sa lahat ng bagay. Ang yosi, alak at pre-mature na love life (Ehem! Lori at Stacy! Excuse me po!) ay pwedeng maghintay.
3. Makinig sa magulang. Hindi magsasabi yang mga yan ng ikasasama mo.
4. Mahalin ang mga teachers. Wag naman sobra. Sipsip na tawag dun. They could bring out the best in you.
5. School is cool. Have fun :)