Lunes, Hulyo 23, 2012

Brad's 27th: A Black and Red Streetfood Party

Ola, Tinola!

Mic just turned 27 last July 18. Unfortunately, we were not able to enjoy the day itself because Athena had a throat infection which caused her fever for a couple of days (the very same reason why I wasn't able to blog that much. Merm just cooked us some sopas na gawa sa spaghetti para long life. Kaya ayun.. bumawi na lang kami ng party nung 21st. Buti na lang, our daughter's fever was gone. Ayun nga lang.. pesteng bagyo yan. Most of our guests, including Mic's parents were not able to come because the streets were effin' flooded. #asarmuch.

Kesa ientertain ang nega vibes, tinuloy na lang namin ang rainy party. Days before, Mic asked me to make an invite na ieemail nya daw sa mga office friends nya.



The Makeshift Banner
(Ito talaga yung vibe ng "party".. parang tambay mode lang)

Bilang leave ko naman yung July 20, pinagbigyan ko na lang si birthday boy na manood ng the Dark Knight Rises. Tapos, bumili n din ako ng konting art materials para gumawa ng banner. Ewan ko ba pero trip na trip ko tong gawin. Sorry mukang basura.. inisip ko kasi kung ano ang pwede kong magawang something creative sa mga basura sa kwarto namin, at the same time e ireflect ang personality ng ka-love team kong si Mic (FHM, pick-up lines, food, beer, havaianas, his sasakyan, starbucks,atm, favorite clothing brands, timezone at magic cards). So.. ito yung naging itsura after ng 2 hours na drawing, gupit, lay-out at paste.




Ang Happy ng may Birthday

Hindi ko din pinatawad ang dingding ng dining area namin.

Gawa sa scraps nung banner at sobrang paper plate. Yung panda, pamaypay na pinamimigay ng isang school. Pakalat-kalat kaya dinikit ko na lang


We originally planned to hold his birthday bash in our house. Mas tipid, mas busog, sobrang simple, at kebs lang sa oras. Merm cooked some flat spaghetti, spicy ribs, chicken pastel and lumpiang shanghai. Si Oyo naman, nageffort sa sisig.. as in ginawa nila ni Fang from Scratch. Cherry brought her Nanay's home-made siomai, too. For dessert, we had our walang kasawaang chocolate fountain, and Mic's Red and Black Brazo de Mercedes filled chocolate cake. Tapos, gumawa na lang si Merm ng gulaman. Para kalyeng kalye ang dating.

 Cake at Laruang Ferrari

 The Food Trip

 Chocolate Fountain

Conyong Gulaman

What we appreciate most is the fact that despite the nakakabwisit weather, we still had our loving friends and family to celebrate with us and wish Mic a happy birthday.




Tropa with Merm (tawag talaga nila sa nanay ko e Tropang Ana)

Marj, Diane and Vinnie (na sumugod sa bagyo para lang makasama si Mic. Sweet)


Walang partyng walang "drinks". Bujoy mixed tequila sunrise- kung anu-ano e.. may tequila, orange juice, grenadine syrup. Hindi namin natagalan ang pagpapanggap. Kalyeng inuman talaga ang pamumuhay namin. Ang ending.. kumuha na lang kami ng 2 long neck na GSM Blue sa tindahan ni Merm at nag-chaser ng tirang orange juice. 

Sino'ng lasing? Bwahaha.

Generally, our simple get together was fun. Umaga na ata kami natapos. Nung Sunday, nagkaron pa ng aftershock ng birthday. Niluto pa namin yung 3 kilo ng chicken intestines. Dahil sa mejo madaming food, Martes na ng umaga e kumakain pa din ako ng cake. Malamang isang linggo kaming kakain ng spaghetti. Hehe.




4 (na) komento:

  1. Awts!!Sayang hindi kami nakapunta, bakit kasi tinapat nyo sa aming la union trip to?Charot!! Na-miss ko tuloy ang masasarap na luto ni mommy!! Astig ka talaga pag dating sa art works! Cool ng cake, parang di ko kaya kainin, haha..

    Thanks frend sa pag-aalala nyo saken, ramdam na ramdam ko yun nun andun ako kaya napa-post na lang ako sa fb for everyone to know na I'm ok!

    Happy birthday ulet Mic!! Love you both!

    TumugonBurahin
  2. Ang saya namn ng party kahit inulan! Belated Happy birthday to Mic!

    TumugonBurahin
  3. belated happy birthday Mic! super love the banner at super love ko ang tawa ni Mic sa pic. Kasing laki ng tawa ng drawing yung tawa nya in real life :)

    TumugonBurahin