Lunes, Hulyo 30, 2012

Ang Pagiging Ina ni Tropang Ina

Ang lakas ng hangin kagabi... kaya nawalan ng kuryente. Usually sa tabi ni Merm natutulog si Tinay kasi nasa trabaho pa ako pag oras na ng tulog nya. Pero iba kagabi. Katabi namin sya natulog ng Tatay nya.

Sa lakas ng ulan a hangin, hindi namin magawang buksan yung bintana. Papasok kasi yung anggi ng ulan. Mainit... kaya hindi ako tumigil sa pagpapaypay sa natutulog kong anak. Minsan ko lang sya makatabi matulog. Kaya sinulit ko na din. Doon ko lang naisip na sa sobrang pagkaabala ko sa maraming bagay, hindi ko na pala napupunuan ang lahat ng obligasyon ko... lalo na ang pagiging super hands-on na ina.Nagising si Tinay dahil sa init. Kaya naglaro na lang kami ng anino ng rabbit na gawa sa kamay, kumanta ng ABC at tininan ang mga pictures sa phone ko for the nth time.

***

Open secret naman na dumating si Tinay sa buhay namin ni Mic nang hindi kami handa. Breadwinner pa ako nung time na yun.. nasa college pa yung dalawa kong kapatid kaya mejo hirap sa ipon. Nakaisip kami ng bright idea nung mga officemates ko. Nagorganize kami ng baby shower... nag-asign kami sa mga tao ng gusto naming gifts. Tagumpay kasi nalibre namin ang mga sumusunod:

1. Crib- galing sa team mates ni Mic
2. Stroller- na pinag-ambagan ng lahat ng mga boss ko.. hehe
3. Baby clothes galing kay Lori (mga hand me downs ng baby nyang si Sophie)
4. Bath tub at cd's galing sa team mates ko
5. Feeding bottles, towels at scrapbook galing sa village tropa

O di ba. Kapal ng mukha. Hahaha. Halos wala kaming binili. Blessed lang kami dahil madami kaming friends and family, lalo na yung mga magulang namin na tumulong.
 
Sa una, labag sa moral standards dahil hindi pa kami kasal nung pinanganak ko sya, Sobrang hirap mag-adjust. Pero mahal namin nang sobra sobra si Athena. Sablay man kami sa umpisa, unti-unti kaming nagsikap para mabigay sa anak namin lahat ng kaya namin... lalo na ang oras.

First Family Pic

Kahit simple, pinaghahandaan namin ang mga importanteng araw sa buhay ng anak namin.. Binyag, Birthday, Pasko at wala lang.

Baby Bunny
Abnormal Parents (Athena's Baptism)





Athena's First Birthday (sa Bahay)





Athena's Second Birthday (sa Ocean Park.. katas ng 14th Month Pay. Hehe)


The Family that Chucks together

Hindi kami yung tipo ng mga magulang na maluho 'pag dating sa anak. Syempre, labas dito yung diapers, baby wipes at food- essentials eh. Pag bumibili kami ng sapatos, tipong good for one to two years, at hangga't maaari e sale. Yung Chucks ni Tinay, na-score lang namin ng 500 nung minsang mag-factory sale ang Converse. Yung mga damit, minsan sa Tiangge, o kaya, pag sale sa mall. Gusto kasi namin na lumaki syang walang arte at praktikal mamuhay. 

Hinding hindi kami magtitipid sa pagmamahal. Araw-araw naming sisikaping maging malakas at magkaroon ng oras para makapaglaro.. lalo kaming magsisikap para mapag-ipunan ang mas mahahalagang pangangailangan sa future, gaya ng good education. Sana, mabigyan pa kami ng maraming pagkakataon para sama-samang maggrocery, kumain ng Cornetto at magpunta sa Jollibee. Naisip ko lang.. dapat masulit namin lahat ng panahon. Minsan lang nagiging bata ang bata. Dadating ang araw, para din syang saranggola. Lilipad nang malayo, at isang manipis na pisi na lang ang mag-uugnay sa amin. Pero wag akong masyadong excited. Matagal pa yun.

5 komento:

  1. Aww.. i miss you tinay! Love love yan ng magandang ninang! You were a good daughter, you still are, and now, a good mom! Dedma sa mga wrong choices in life, as long as you know how to handle the consequences responsibly! Love you frend! Ang emo ko today.. hormones! haha..

    TumugonBurahin
  2. nagulat nga ako at ang emo niong dalawa ah... dala ba yan ng bagyo? hehe!

    pero i know and understand your sentiments Arnica... alm mo yan! haha! keri natin yan para sa two beautiful babies natin...

    nainggit lang ako ng slight.. bakit ung sa shoes ni tinay pang-1 to 2 yrs? bakit ndi ko naranasan ung kay Sophie nung mas baby pa sya... ibang level ang growth hormones sa paa ng anak ko eh... haha!

    TumugonBurahin
  3. super sweet naman ng post..I'm sure Athena will grow up to be responsible and sensible, just like you :)

    cute cute ng baby bunny pic! :)

    TumugonBurahin
  4. Korek ka dyan! Di talaga dapat tipirin ang pagmamahal. Magtipid na sa ibang bagay wag lang dyan. I love picture na may suot syang bunny headband!

    TumugonBurahin