Miyerkules, Hulyo 4, 2012

First Love

Kung tatanungin nyo ko kung sino ang first love ko.. baka mas madali ko pang masagot kung bakit kung bakit blue ang sky o bakit napapanaginipan mong kaholding hands mo yung crush mo. Actually, hindi ko talaga alam ang sagot.

Minsan, naiisip ko na lang na baka first love ko yung first boyfriend ko. Pero pwede namang hindi. Baka yung bestfriend ko nung college pero hindi ko lang inacknowlegde yung feelings ko para sa kanya. Hindi kaya si Carlo Aquino? O kaya si Scott Moffatt o si Taylor Hanson? Baka naman yung crew leader namin dati kasi nagselos ako nung nalaman kong may gf na sya.. o pwede naman na yung kasama ko sa office na nanligaw sa kin pero hindi ko sinagot kasi... wala lang. 

Sabi sa Wiki "Fromm held that love is ultimately not a feeling at all, but rather is a commitment to, and adherence to, loving actions towards another, ones self, or many others, over a sustained duration."

So... ibig bang sabihin.. first love mo kung kanino mo unang naipakita ang super commitment at attachment sa matagal na panahon. Kung totoo to, pwede mo bang sabihin na ang first love mo e ang nanay o tatay mo, o kaya ang aso mong si Morlock? Labo no. 

Pero ngayong may asawa na ako't lahat.. sa tingin ko, hindi na mahalaga kung sino ang una kong minahal. Ang importante, kung sino ang HULI. Kasi, sya na yung taong pag-aalayan mo ng ginintuang long-term commitment, passion and unconditional effort. 



8 komento:

  1. First love ba topic? o sige, no comment, lol!

    Ang swerte naman ni Papa Mic at meron siyang Mama Nic!

    TumugonBurahin
  2. Wooo... Swerte talaga sya sa kin lol. Malay mo frend.. Ung inaakala mong first love mo e hindi mo nmn talaga first love.. Baka nga si george michael presto ang pers lab mo eh. Chos. Peace frend. Love you.

    TumugonBurahin
  3. nose bleed ako kay Wiki..
    si Scott Moffat ata ang first love ko ang tagal ko rin kasing nahumaling sa kanya eh..hehe..

    TumugonBurahin
  4. hahaha! Carlo Aquino... naalala nio ba ang ginawa natin para lang makita sya? tau-tau un di ba? ung sa Jollibee sa Taytay Bayan?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naalala ko dahil nawala pa ang id ko dahil dun, hahaha!

      Burahin
    2. haha! so tau nga un... mga high scholl kabaduyan nga naman... ^_^

      Burahin
  5. agree ako dun sa last love ;)

    Hi, balut here coming from Joanne's blog. You're so lucky to have a friend na todo suporta pati sa blog :)

    Good luck on your new blog. Following you now, I'm #7. See yah around!

    TumugonBurahin
  6. Salamat balut! Ang saya saya.. Akala ko.. Ako, si joanne, si lori at si zai lng ang babasa ng mga blah blahng ito. :-)

    TumugonBurahin